Article Inside Page
Showbiz News
Handa na si Manny, pero may kakaibang request si Manay Lolit.
By MARAH RUIZ
Isang confident na Manny Pacquiao ang nagpaunlak ng exclusive interview sa
StarTalk ngayong Sabado, isang araw bago ang laban nila ni Chris Algieri.
Kasama niya ang kanyang maybahay na si Jinkee.
Kasalukuyang nasa Macau ang Pambansang Kamao kasama ang kanyang pamilya, pati na ang halos 300 katao niyang entourage. Nag-weigh-in na ang dalawang boksingero kaninang umaga. Nakasalalay ang WBO Welterweight Championship belt ni Pacman sa laban.
"Ano ang advantage mo over Algieri?" tanong ni Manay Lolit Solis.
"’Yung bilis natin at siguro ‘yung sa lakas, medyo mas advantaged tayo. And then sa experience, mas experienced, more experienced tayo," ibinahagi niya.
Pagdating sa ensayo, sinabi ni Jinkee na handang-handa nang sumabak ang Pambansang Kamao.
"Oo naman po. Nakikita ko naman siya kung paano siya mag ensayo, paano siya naka-focus sa kanyang training. I know he's ready," aniya.
Nakuha pang magbiro ni Manay Lolit, na tila nag-request sa Kapuso star na huwag na daw patamaan ang mukha ng gwapong si Algieri.
Sagot naman ni Manny, "Hindi pwedeng hindi ko siya patamaan sa mukha dahil ako naman ang matatamaan kung hindi ko siya patamaan."
Hinimok naman ni Mommy Dionisia na samahan siya sa pagdarasal para kay Manny. "Sabay-sabay tayo sa pagdasal. Hanggang ngayon, walang sawa ang pagdasal, walang sawa ang pagmamahal natin sa ating kampeon. Mabuhay, ka Manny!"
Nagbigay naman ng mga mensahe at suporta para sa kanya ang kanyang mga anak.
Ani Emmanuel, "Good luck, Daddy. We love you. We're always praying for you."
Pahayag naman ni Michael, "Good luck and the Lord will always be with you."
"I hope Daddy will win the fight. I hope God will bless him when he fights," sabi ni Princess.
Hindi rin nagpahuli si Queen, "I hope Daddy wins this fight."