
Nilinaw ni eight division world champion Manny Pacquiao na isang totoong laban ang nakatakdang nilang match ng boksingerong si Floyd Mayweather nitong parating na September.
Source: mannypacquiao (IG)
Taliwas 'yan sa naging mga pahayag ni Mayweather na isang exhibition match lamang ito para ma-entertain ang mga manonood.
Ibig sabihin nito, isang professional bout ang laban at papasok sa mga records nila ang magiging resulta. Nakataya dito ang perfect undefeated record ni Mayweather na 50-0 kung sakaling matalo siya ni Pacquiao.
"The contact that we signed is a real fight. I wouldn't fight an exhibition. That's the contract that he signed. He has to remember that," pahayag ni Pacquiao na kasalukuyang nasa Amerika para suportahan ang boxing match ng anak na si Jimuel.
Nakatakda ang much-awaited rematch nina Pacquiao at Mayweather sa September 19 sa The Sphere sa Las Vegas.
Mapapanood din ito ng live sa streaming giant na Netflix.
Panoorin ang buong ulat ng 24 Oras dito:
SILIPIN DIN ANG MGA INTERNATIONAL BOXERS NA NAKALABAN NI MANNY PACQUIAO DITO: