What's Hot

Manny Pacquiao, isa pa rin bang Kapuso?

By AL KENDRICK NOGUERA
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 9, 2017 5:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Matagal nang walang Kapuso show si Pambansang Kamao Manny Pacquiao. Ngayong busy na si Pacman sa pagiging senador ng bansa, ibig sabihin ba nito ay hindi na siya Kapuso?

Matagal nang walang Kapuso show si Pambansang Kamao Manny Pacquiao. Ang kanyang huling regular appearance sa telebisyon ay ang MP featuring Sport Science na ipinalabas mula 2014 hanggang 2015.

Ngayong busy na si Pacman sa pagiging senador ng bansa, ibig sabihin ba nito ay hindi na siya Kapuso?

Sa press conference ng GMA Entertainment TV group na ginanap kamakailan, nilinaw ni ETV Vice President for Drama Redgie A. Magno na mayroong pang existing contract si Pacquiao sa Kapuso network.

"Mayroon pa siyang contract with GMA. Kaya lang naman siya hindi makapag-start ng show kasi sunod-sunod 'yung mga nangyari sa kanya 'di ba like 'yung fight, tapos election," paliwanag ni Magno.

Pero ayon sa GMA executive, asahan daw ang bagong Kapuso show ni Pacquiao ngayong taon. Aniya, "Noong huli kaming nag-usap, sabi niya he's ready to do a show, so we're already preparing for it."

MORE ON MANNY PACQUIAO: 

IN PHOTOS: Senator Manny Pacquiao's Forbes Park mansion

#FamilyGoals: The humble life of the Pacquiaos

Photo by: mannypacquiao (IG)