What's Hot

Manny Pacquiao, magbibigay inspirasyon sa Para Sa’yo ang Laban na ‘to

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated August 30, 2020 11:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cellphone ng tindahan, tila may sumpa? | GMA Integrated Newsfeed
Suspect in Cotabato grenade attack killed in hot pursuit
EA Guzman and Shaira Diaz mark their first New Year's celebration together

Article Inside Page


Showbiz News



Kakaibang Manny Pacquiao ang matutunghayan sa Para Sa’yo ang Laban na ’to, kung saan makikinig sa mga kuwento at magbibigay ng payo ang Pambansang Kamao sa mga nawawalan ng pag-asa sa laban ng buhay. Co-host ni Pacman dito ang aktres at Personalan host na si Jean Garcia.

Kakaibang Manny Pacquiao ang matutunghayan sa Para Sa’yo ang Laban na ’to, kung saan makikinig sa mga kuwento at magbibigay ng payo ang Pambansang Kamao sa mga nawawalan ng pag-asa sa laban ng buhay. Co-host ni Pacman dito ang aktres at Personalan host na si Jean Garcia.
 
Ayon kay Pacquiao, “Hindi lang tayo nagbibigay ng tulong, siyempre, nagbibigay din tayo ng advice, shineshare natin ang Word of Wisdom at nagbibigay ng pag-asa. Gusto ko ito.”
 
Nang tanungin naman si Pacquiao kung ano ang nadarama niya sa pagkakaroon ng ganitong klaseng programa, para sa kanya, “Masarap yung feeling na ma-share ko pati yung mga naranasan ko at malaman natin yung kuwento ng bawat pamilya. “
 
Marami ding malalaman ang mga manonood tungkol sa buhay ni Pacquiao dito. “Malalaman nila ang buhay ko, buhay namin ng family ko, kung ano ang mga pinagdaanan ko bago ako nakarating dito sa kinalalagyan ko. Marami silang aral na matututunan,” anang sikat na boksingero.
 
Masayang masaya naman si Ms. Jean Garcia na maging bahagi ng programang ito. “Ang makasama ang isang Manny Pacquiao sa isang show- ni sa panaginip, hindi ko naisip na makakatrabaho ko siya. It’s really an honor and masaya ako dahil pinagkatiwala nila sa akin ang ganitong klaseng show,” wika ng aktres.
 
Ang konsepto ng programa ay medyo kakaiba kaysa sa mga karaniwang talk show. Sa pagpapaliwanag ni Ms. Jean, “Lahat ng experiences ng ating mga case studies ay i-aassociate sa buhay ni Manny tapos siya ang magbibigay ng inspirasyon sa kanila kung papaano nila aayusin iyong buhay nila ngayon.”
 
Katulad ni Pacman, magbibigay din ng sariling payo at saloobin si Ms. Jean Garcia sa programa. “Marami na rin akong na-experience. Pero sabi nga nila, laban lang sa buhay. Huwag magpapatalo. Kapag punong puno ka ng pagmamahal, punong puno ka rin ng blessings for sure.”
 
Mapapanood na ang Para Sa’Yo ang Laban na ‘to simula Pebrero 3 sa GMA. - Text by Samantha Portillo, GMANetwork.com