Walang inuurungang laban si Pambansang Kamao Manny Pacquiao lalo na pagdating sa boxing. By AL KENDRICK L. NOGUERA
Walang inuurungang laban si Pambansang Kamao Manny Pacquiao lalo na pagdating sa boxing. Kamakailan nga lamang ay nilabanan niya si Floyd Mayweather, Jr. kahit na mayroon siyang injury sa kanyang kanang balikat.
Ayon sa Instagram post ni Pacman, malaki na ang improvement ng kanyang balikat na inoperahan pa sa America pagkatapos ng tinaguriang pinakamalaking laban sa boxing.
Sa isa pang photo na in-upload ng Pambansang Kamao, nakuha niya pang magbiro at ikumpara ang sakit ng ipin sa suntok ng mga kalaban niya sa loob ng ring.