Celebrity Life

Manny Pacquiao, may paalala kay Mommy Dionisia tungkol sa pag-ibig

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 3, 2020 3:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Son of filmmaker Rob Reiner makes court appearance on charges he murdered parents
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News



Back to hosting si Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa bagong Kapuso sports show na 'MP Featuring Sport Science'.Ano naman kaya ang masasabi niya sa love life ng kanyang Mommy Dionisia?
By SAMANTHA PORTILLO

Back to hosting si Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa bagong Kapuso sports show na MP Featuring Sport Science.

Ano naman kaya ang masasabi niya sa love life ng kanyang Mommy Dionisia?

Kamakailan, umamin si Mommy Dionisia na may bago nang nagbibigay ng inspirasyon sa kanyang buhay.

Ito ay si Michael Yamson, isang seaman na nakilala niya sa isang party. Forty years old pa lamang si Michael, at siya rin ang escort ni Mommy Dionisia sa nakaraang 65th birthday niya noong Mayo.

May mga balitang hindi sang-ayon ang Pambansang Kamao sa relasyon ni Mommy Dionisia sa kanyang mas batang boyfriend.

Sa panayam ng 24 Oras kay Pacman, hindi siya tuwirang sumang-ayon o tumutol sa relasyon.

Paalala lang niya sa kanyang ina, “Siyempre, gusto kong maging masaya ang mama ko. Para sa akin is hindi naman siya bata para turuan mo.”

Dagdag niya, “Kung ako ang tanungin mo, mas piliin muna nating matakot tayo sa Panginoon, na masaya ‘yung Panginoon. Hindi ‘yung piliin natin ‘yung sarili natin, kung ano ‘yung gusto ng katawan natin.”