"What a great song! I never heard of a song that summed up my emotions so completely," pahayag ng American talk show host na si Jimmy Kimmel tungkol sa kanta ni Pacman.
By AL KENDRICK NOGUERA
Naging viral agad ang kantang 'Lalaban Ako Para sa Pilipino' ni Manny Pacquiao nang lumabas ang official music video nito kamakailan lang.
Sa katunayan, isa si American talk show host Jimmy Kimmel sa mga naging fan ng bagong single ni Pacman. At kinanta niya pa ito nang live.
Video courtesy of Jimmy Kimmel Live!
"What a great song! I never heard of a song that summed up my emotions so completely. I was listening to it all day. I can't get it out of my head," pahayag ni Jimmy.
Ilang beses kinanta ni Jimmy ang Filipino song at makikitang talagang pinaghandaan niya ito.
Nang makarating kay Pacquiao ang ginawa ni Jimmy, agad siyang nagpasalamat sa Jimmy Kimmel live! host sa pamamagitan ng isang Instagram video.