
Nasa Japan ngayon si Manny Pacquiao kasama ang asawang si Jinkee at bunsong anak na si Israel.
Sa Instagram, ipinakita nina Manny at Jinkee ang ilan sa kanilang mga larawan na kuha sa Ginza, Tokyo.
"Konnichiwa," sulat ni Manny.
Makikita naman sa post ni Jinkee na kasama rin nila sa trip ang kakambal niyang si Janet Jamora.
Samantala, sa kabila ng pagkatalo sa presidential race sa katatapos lamang na Eleksyon 2022, ibinahagi ni Manny na magpapatuloy ang kanyang misyon na makatulong sa mahihirap na kababayan sa pamamagitan ng Manny Pacquiao Foundation.
Samantala, tingnan ang sweet moments nina Manny at Jinkee Pacquiao sa gallery na ito: