
Inilarawan ng beteranang aktres na si Boots Anson-Roa bilang "empowered women" ang mga karakter ng bagong GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: The Family Fortune.
Gaganap siya sa serye bilang Consuelo Chan, ang family matriarch ng isang mayamang Chinoy family.
Magtatagisan sa pamilya ang anak ni Consuelo na si Cristine Chan (Sunshine Cruz)--ang tunay na utak sa likod ng matagumpay nilang family business, at Valerie Lim (Maricel Laxa)--ang common law wife ng isa pang anak ni Consuelo na si Edison.
Masasangkot sa kanilang power struggle si Steffy Dy (Barbie Forteza) matapos itong ma-hire bilang assistant ni Cristine.
"Lahat ng mga babae dito sa cast ay empowered. To the credit of the writers of Mano Po, the movie series, bawat isa may back story na tinatalakay kung saan nagsimula 'yung babae na powerful, na empowered and how she changed and evolved with the times in terms of enforcing her power," pahayag ni Boots sa virtual media conference ng serye.
Tulad ng mga pelikula, ganito rin daw ang masasaksihan sa Mano Po Legacy: The Family Fortune.
"Dito, ganoon din. May mga back stories din, may flashback din, kaya 'yung nanonood, hindi siya mawawala kasi parating binibigyan ng background [ang mga pangyayari,]" paliwanag ng aktres.
Bukod sa mga babae sa pamilya, mas magiging exciting pa ang kuwento dahil sa apat na tagapagmana ng Chan empire.
Kabilang dito si Anton (David Licauco)--ang unang lehitimong anak ni Edison, Joseph (Rob Gomez)--ang anak ni Edison sa Filipina girlfriend niya noon, Jameson (Nikki Co)--ang anak ni Edison sa common law wife niyang si Valerie at Kenneth (Dustin Yu)--ang pangalawang lehitimong anak ni Edison na uuwi mula sa Amerika.
Tunghayan ang world premiere ng Mano Po Legacy: The Family Fortune, ngayong gabi, January 3, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.
Samantala, kilalanin ang mga karakter na magiging bahagi ng serye dito: