
Bahagi ng upcoming telemovie special na "One Million Comments, Magjo-jowa na Ako" si Kapuso actor Manolo Pedrosa.
Ito ang pangatlong offering ng pinakabagong weekend anthology na Regal Studio Presents.
Makakasama ni Manolo dito ang real-life couple at kapwa Kapuso stars na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.
Si Gabbi ay si Ana Marie, babaeng NBSB o no boyfriend since birth na mangangakong maghahanap ng jowa kung umabot sa isang milyong ang comments ng kanyang social media post.
Si Khalil naman ay si Prince Matt, ang IT expert na mag-aayos ng computer ni Ana Marie, habang si Manolo ay si Miggy, ang one millionth commenter sa post niya.
"I read the script and ang ganda. I like it. I've already worked with Gabbi before in my first teleserye sa GMA, so I'm already comfortable with her. Unfortunately, I haven't worked with Khalil yet but I'm excited na he's part of it," pahayag ni Manolo sa isang virtual interview.
Wala daw kaso kay Manolo na maging "third wheel" sa tambalan nina Gabbi at Khalil.
"To see the story, if you reed the story, and look back at the casting, it's juicy. Gabbi ang Khalil are real and then in my first teleserye, nag-partner kami ni Gabbi sa Pamilya Roces. Marami rin nagkagusto sa tandem namin. Top of my head, the word would be juicy--this casting would be juicy, interesting," lahad niya.
Happy din si Gabbi na ma-reunite kay Manolo, na isang mabuting kaibigan din para sa kanya.
"It's always nice to see Manolo kasi even though we don't see each other that much or for a long time, every time we see each other parang walang nagbago," paglalawaran ng aktres sa kanyang co-star at kaibigan.
"Always naman, ang saya din katrabaho ni Manolo dahil napakabait ng taong 'yan, super duper bait," dagdag pa ni Gabbi.
Ipinaliwang naman ni Khalil ang tila misteryosong karakter ni Manolo na si Miggy.
"He is the one who gets in the middle naman of the relationship. Isa siyang hadlang, so makikita niyo... kasi hindi ko pwedeng sabihin baka ma-spoil, makikita niyo kung paano siya pumasok sa istorya," matalinghagang bahagi ni Khalil.
Alamin kung anong misteryo sa likod ng karakter ni Manolo na si Miggy sa "One Million Comments, Magjo-jowa na Ako," ang pangatlong bahagi ng special primetime premiere ng Regal Studio Presents, September 25, 8:30 pm sa GMA.
Samantala, silipin ang ilan nilang eksena sa gallery na ito.