
Isa ka bang Dramarites? Alamin sa bagong GMA Afternoon Prime Dramarites Challenge!
Simula ngayong Lunes, November 20, may chance kayong manalo ng PhP5,000 hanggang PhP50,000 habang nanonood ng mga programa ng GMA Afternoon Prime na Abot-Kamay na Pangarap, Stolen Life, and The Missing Husband, Lunes hanggang Biyernes,, 2:30 p.m. to 5:00 p.m., sa GMA-7 at Kapuso Stream.
Para makasali, tumutok lang sa GMA Afternoon Prime show. Hintayin ang signal at ang pag-flash ng question of the day sa inyong mga screen. Sagutin ang tanong at i-submit ito sa www.GMAnetwork.com/DramaritesChallenge. Kailangang mag-register ng inyong buong pangalan, address, email, at mobile number para makapag-submit ng entries. More entries, more chances of winning!
Ang submission ng entries ay magbubukas ng 2:30 p.m. at automatic na magsasara ng 5:00 p.m. pagkatapos ng GMA Afternoon Prime shows.
Lahat ng entries ay qualified sa electronic raffle tuwing Lunes, maliban kung holiday, Ang weekly raffle draws ay gaganapin sa November 27; December 4, 11, 18, 26, 2023; at January 2, 2024. Bawat linggo ay limang (5) lucky viewers ang mananalo ng PhP5,000, habang isang Kapuso naman ang magwawagi ng P50,000 in the grand draw sa January 2.
Ang verified winners ay ia-aanounce sa GMA Afternoon Prime block, GMA website (www.gmanetwork.com), at sa official Facebook pages ng GMA Network and GMA Drama (www.facebook.com/GMANetwork and www.facebook.com/GMADrama). Ito ay ipo-post tuwing Miyerkules.
Kaya, mga Kapuso, tumutok lang sa Abot-Kamay na Pangarap, Stolen Life, at The Missing Husband sa GMA Afternoon Prime para sa chance n'yong maging #feelingblessed ngayong holiday season!
Ang GMA Afternoon Prime Dramarites Challenge ay magsisimula sa November 20, 2023 at matatapos sa December 29, 2023. Para sa kabuuang mechanics, bisitahin ang www.GMAnetwork.com/DramaritesChallenge.
DTI Fair Trade Permit No. FTEB-179112 Series of 2023