GMA Logo Kapuso Lucky Numbers of the Day
What's Hot

Manood ng 'Asawa Ng Asawa Ko' at manalo ng up to 150K pesos sa Kapuso Lucky Numbers of the Day S3 promo

By Aaron Brennt Eusebio
Published March 27, 2024 5:37 PM PHT
Updated March 28, 2024 12:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipino teachers face visa delays as US expands social media checks
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

Kapuso Lucky Numbers of the Day


Maaaring manalo ng up to 150K pesos habang nanonood ka ng 'Asawa Ng Asawa Ko!' Alamin ang full mechanics ng Kapuso Lucky Numbers of the Day S3 promo dito.

Habang tumatagal, parami nang parami ang tumututok sa lalong gumagandang istorya ng Asawa Ng Asawa Ko na pinagbibidahan nina Jasmine Curtis-Smith, Rayver Cruz, Liezel Lopez, at Joem Bascon.

Nakabalik na kasi si Leon (Joem) sa siyudad kaya naman nagharap-harap na silang apat nina Cristy, Jordan, at Shaira. Kasal si Jordan kina Cristy at Shaira, pero kasal rin si Cristy kina Jordan at Leon.

Sino kaya ang pipiliin ni Jordan- si Cristy o si Shaira? Sino ang pipiliin ni Cristy - si Jordan o si Leon?

Habang inaabangan kung ano ang mangyayari kina Cristy at Jordan, maari pang manalo ng cash prize sa pamamagitan lang ng pagtutok sa Asawa Ng Asawa Ko.

Kabilang ang programang ito kung saan makikita ang lucky numbers na dapat abangan sa season three ng Kapuso Lucky Numbers of the Day promo.

Sa ikatlong season nito, triple na rin ang mga pa-premyo! Sampung weekly winners ang mananalo ng P1,000 each habang ang grand prize winner naman ay mananalo ng P150,000!

Tumutok lang sa GMA Prime mula Black Rider, My Guardian Alien, at Asawa Ng Asawa Ko para sa mga numero! I-submit ang entry sa GMANetwork.com/LuckyNumbers.

Alamin ang full mechanics ng Kapuso Lucky Number of the Day S3 promo dito:

Tatakbo ang promo simula April 1 hanggang May 17, 2024 per DTI Fair Trade Permit No. FTEB-189369 Series of 2024.