
Maging isa sa dalawang daily winner ng P5,000, manood lang ng GMA Telebabad gabi-gabi at abangan ang Kapuso Lucky Numbers of the Day!
Simula October 10 hanggang November 4, ugaliing tumutok sa GMA Telebabad programs - “Maria Clara at Ibarra,” “Start-Up PH,” at “What We Could Be” - at abangan ang paglabas ng mga cast member na magbibigay ng Kapuso Lucky Numbers of the Day. Ipadala ang lumabas na Kapuso Lucky Numbers of the Day sa promo website. Ang isang sagot ay katumbas ng isang entry. Maaring magpadala ng higit pa sa isang entry.
Para makasali at magpadala ng entries, pumunta sa www.gmanetwork.com/KapusoLuckyNumbersoftheDay at ilagay ang inyong sagot, buong pangalan, kumpletong tirahan, birthday, email address, at mobile number.
Ang lahat ng entries na ipinadala sa oras ng GMA Telebabad mula 8:00 p.m. hanggang 10:30 p.m. ay pasok sa electronic raffle na gagawin tuwing Lunes.
Linggo-linggo ay may sampung (10) maswerteng mananalo ng tig-P5,000! Abangan ang announcement of winners na makikita sa GMA Entertainment website (www.gmanetwork.com) at sa official social media accounts ng GMA Network at GMA Drama tuwing Lunes.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Kapuso Network, bisitahin ang GMANetwork.com.