
POV mo, panalo!
Lahat talaga ay may chance maging winner every Saturday night sa pinakabagong original game show ng GMA, ang The People Have Spoken.
Bukod sa panalong POV ng viewers, maaari ring pumaldo ang audience sa People Panalo Promo!
Para sumali, tumutok lamang sa high-energy game show at abangan ang promo questions na ipapakita sa screen.
Pumili ng sagot mula sa dalawang choices at i-submit sa official promo website na www.gmanetwork.com/TPHSPeoplePanaloPromo o i-scan ang QR code na lalabas sa TV.
Kailangan ding ilagay ang mga kinakailangang detalye tulad ng full name, complete address, birthday, email address, at mobile number.
Maaari lamang mag-submit ng entry bago matapos ang episode ng The People Have Spoken.
Tanging mga entry na na-submit sa official promo website ang magkakaroon ng pagkakataong mapili bilang isa sa tatlong lucky winners ng PhP 5,000 kada linggo. More entries submitted, more chances of winning!
Iaanunsyo ang mga mapipiling winners sa mga susunod na episode, gayundin sa official GMA website at social media pages ng The People Have Spoken, GMA Network, at YouLOL.
Para sa full mechanics ng People Panalo Promo, bisitahin ang page na ito: www.gmanetwork.com/TPHSPeoplePanaloPromo.
Per DTI Fair Trade Permit No. FTEB-257314 Series of 2026