
Paldong-paldo hindi lang sa career pati na rin sa personal life ang Running Man Philippines star na si Glaiza De Castro.
Ang tinaguriang Boss G ay happily married sa kaniyang Irish husband na si David Rainey. Kung matatandaan ninyo, dalawang beses ikinasal sina Glaiza at Rainey: una ay noong 2021 sa Northern Ireland at idinaos ang kanilang local wedding sa Zambales taong 2023.
Kaya naman ipinatawag ng House of Honorables si Boss G para maging resource person sa kanilang session na tinawag na “In Aid of AFAM Love: Sino ang Mag-aadjust?”
Kumusta kaya ang married life ni Glaiza De Castro sa isang foreigner?
Abangan ang masayang chikahan na ito with Chariz Solomon at Buboy Villar sa Your Honor ngayong September 20 pagkatapos ng Pepito Manaloto sa YouLOL YouTube channel.
RELATED GALLERY: STUNNING PHOTOS OF GLAIZA DE CASTRO