
Ngayong Huwebes sa My Love From The Star, itatago ni Matteo (Gil Cuerva) ang panibagong pagliligtas niya sa buhay ni Steffi (Jennylyn Mercado).
Samantala, ire-report naman ni Lester (Ken Alfonso) kay Jackson (Gabby Eigenmann) ang tungkol sa muling pagtulong ni Matteo kay Steffi.
Hahalughugin din niya ang bahay ni Steffi sa patuloy na paghahanap sa USB ni Rachel (Rhian Ramos).
Abangan ang My Love From The Star, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Mulawin VS Ravena sa GMA Telebabad.