
Napatalon sa saya ang aktres at Filipina Surfing Champion na si Mara Lopez Yokohama nang maiuwi ng kanyang team ang PhP200,000 jackpot prize sa kanilang paglalaro sa Family Feud nitong Lunes, March 6.
Kasama ni Mara sa kanyang team ang kanyang ina at kapwa aktres na si Maria Isabel Lopez, dating beauty queen na si Evangeline Pascual, at kaibigan na si Cylynne Mationg.
Sa nasabing episode nakalaban nina Mara ang team ng kapwa niya Survivor Philippines alumnus at city councilor na ngayon na si Ervic Vijandre. Kabilang sa team ng actor-politician ang kanyang ina na si Vicky Vijandre, tiyahin na si Lori Manalo, at kapatid na si Erika Vijandre.
First round pa lamang ay nanguna na ang team ni Mara nang makuha nila ang karamihan sa survey answers sa survey board. Dito ay nakakuha sila ng score na 82 points.
Samantala, nakabawi naman ang team ni Ervic sa second round sa score na 43 points nang makuha nila ang huling survey answer sa tanong na, “Magbigay ng sign na ang kaibigan mo ay ipinaglihi sa palaka.”
Sa third round muling na-steal ng Team Lopez ang game sa score na 250 points. Sa fourth round naman kung saan triple na ang score na puwedeng makuha, muling nanalo ang team Lopez sa score na 550 points.
Sa last round na fast money round, sina Mara at Evangeline ang naglaro kung saan nakabuo sila ng 203 points na lagpas pa sa kinakailangang score upang makuha ang jackpot prize na PhP200,000.
Samantala makakatanggap naman ng PhP20,000 ang Cerebral Palsied Association of the Philippines Inc. bilang kanilang napiling charity habang nag-uwi pa rin ng PhP50,000 ang Team Vijandre.
Tumutok sa Family Feud kasama si Dingdong Dantes, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.
KILALANIN ANG ILAN PANG NAGING JACKPOT WINNERS SA FAMILY FEUD SA GALLERY NA ITO: