What's Hot

"Marami kaming intimate scenes ni Fabio" –Ken Chan on being 'Destiny Rose'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 16, 2020 11:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Australia shuts dozens of east coast beaches after shark attacks
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Binisita ng 'Unang Hirit' ang set ng 'Destiny Rose' at ipinakita ni Kapuso star Ken Chan kung paano siya nag-iiba ng anyo upang magmukhang isang transwoman.


By BEA RODRIGUEZ

Binisita ng 'Unang Hirit' ang set ng 'Destiny Rose' at ipinakita ni Kapuso star Ken Chan kung paano siya nag-iiba ng anyo upang magmukhang isang transwoman.

Naka-in character ang aktor nang ilibot niya ang bahay ni Tito Armani at ikinuwento niya kung paano siya nagiging isang ganap na babae. Ipinakilala niya ang kanyang makeup artist na si Ian Mirandilla at kung ano ang kanyang mga sinusuot bilang si Destiny Rose.

READ: Ken Chan to consult with a psychiatrist after 'Destiny Rose'

Ang nag-ensayo naman kay Ken upang maglakad ala-beauty queen ay si Jonas Gaffud, "[Siya ang] nagturo sa akin kung pa'no maglakad wearing heels na sobrang taas. Ngayon hindi na ako nahihirapan, medyo hindi na sumasakit 'yung mga paa ko dahil may mga techniques siya na itinuro sa akin. Sobrang helpful 'yun para sa akin."

Kapani-paniwala raw ang pagganap ng newcomer base sa obserbasyon ng beteranong actor na si Michael de Mesa na minsan na ring gumanap bilang isang bading. Saad nito, "I think he’s really doing a great job, very believable in his character. For a new comer, very, very impressive."

READ: 3 things you didn’t know about Ken Chan

Kapana-panabik ang kuwento ng serye dahil ayon sa young actor, "Marami kaming intimate scenes ni Fabio [Ide] dito."

Pinaghandaan ito nang husto ng tambalan, "Bago namin gawin 'yung mga eksena namin, dumaan kami sa maraming workshops para ma-break 'yung wall para pakiligin namin o maging makatotohanan ang pagpapakilig namin sa mga tao."

Halo ng pagpapakilig at pagpapahirap ang mararanasan ng aktor kaya tutok lang sa kuwento ng 'Destiny Rose.'

READ: Ken Chan, excited nang ipakilala si ‘Destiny Rose’ mamayang hapon
 

 

Ang muling pagkikita ni Destiny Rose at Gabriele @fabioideofficial ?????????? Mamaya na yan sa #DRDisappointed

A photo posted by Ken Chan (@akosikenchan) on

 

 

With the creator of #DestinyRose my makeup artist @ianmirandilla Thank you so much for taking care of me Nay Ian! ????

A photo posted by Ken Chan (@akosikenchan) on