What's Hot

Maraming pagsabog sa 'Detective Conan: The Time Bombed Skyscraper'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 18, 2020 5:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 pulis, patay; 2 iba pa, sugatan sa engkuwentro laban sa armadong grupo sa Candelaria, Quezon
Ashley Rivera sizzles as the 2026 calendar girl of a local whisky brand
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan ang 'Detective Conan: The Time Bombed Skyscraper' sa September 5, pagkatapos ng 'Cross Fight B-Daman.' 
By MARAH RUIZ


 
Kaya bang talunin ng isang bata ang mystery bomber na naghahasik ng lagim sa siyudad? Ngunit hindi ordinaryong bata si Conan Edogawa. Sa katunayan, siya si Shinichi Kudo na isang high school detective!
 
Matatagpuan ni Conan ang isang imbitasyon para kay Shinichi para sa isang tea party na inihanda ng batikang arkitekto na si Teiji Moriya.
 
Dahil hindi pa siya nakakabalik sa kanyang tunay na anyo, kukumbinsihin niya ang kanyang kaibigan na si Ran na pumunta para sa kanya. Hinikayat din niya si Ran na isama ang kanyang ama na si Kogoro Mori na isang detective. 
 
Sa tea party, makikilala nila si Teiji Moriya at makakasama pa sa gallery nito kung saan may mga larawan ng mga building na dinisenyo niya.
 
Sa susunod na araw, makakatanggap si Conan ng isang tawag mula sa isang lalaking nagsasabing naglagay siya ng mga bomba sa iba't ibang bahagi ng siyudad. Binigyan niya si Conan ng 24 oras para hanapin ang lahat ng ito. Mapapansin ni Conan na nakatago ang mga bomba malapit sa mga buildings na dinisenyo ni Teiji Moriya. 
 
Maagapan kaya ni Conan ang pagsabog ng mga bomba sa siyudad?
 
Abangan ito sa Detective Conan: The Time Bombed Skyscraper! Panoorin ang Part 1 sa September 5, pagkatapos  ng Cross Fight B-Daman at ang Part 2 naman sa September 6, pagkatapos ng Kamen Rider OOO.