GMA Logo mad ramos
What's Hot

Maranao pride Mad Ramos flattered to be recognized as Male Teen Star of the Year by GMANetwork.com Awards 2025

By Jansen Ramos
Published January 11, 2026 5:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tens of thousands protest in Minneapolis over fatal ICE shooting
Farm to Table: (January 11, 2026) LIVE
Manifest success in 2026 with these 5 Gemini prompts

Article Inside Page


Showbiz News

mad ramos


Hindi nakalimot ang Sparkle Campus Cutie winner na si Mad Ramos, isang proud Maranao, na pasalamatan ang mga sumusuporta sa kanya, partikular na ang mga taga-Mindanao, at bumoto sa kanya sa GMANetwork.com Awards.

Opisyal na iginawad sa Sparkle artist na si Mad Ramos ang parangal niyang natanggap mula sa GMANetwork.com Awards 2025 sa episode ng All-Out Sundays ngayong Linggo, January 11.

Wagi ang first Sparkle Campus Cutie winner bilang Kapuso Male Teen Star of the Year sa kauna-unahang edisyon ng GMANetwork.com Awards.

Sa isang panayam ng GMANetwork.com, sinabi ni Mad na lalo siyang na-inspire dahil sa pagkakilala na ito.

Aniya, "Ang dami ko pong first times, ang dami kong achievements this year and it's a good way to start 2026. From winning the Sparkle Campus Cutie and ang daming blessings talaga na ibinigay ni Allah.

"Sobrang saya ko. Grabe yung nararamdaman ko ngayon. I feel motivated pa and inspired to do better."

Ngayong 2026, inilahad ni Mad ang gusto niyang ma-accomplish sa kanyang showbiz career. Ika niya, "Gusto ko talaga ng more performances, mga sayaw kasi I'm really into dancing. Talagang gusto kong sumayaw din and more teleseryes and more guestings po.”

Para naman sa kanyang personal growth, nais ni Mad na mas maging fit ang kanyang pangangatawan. "'Yun talaga 'yung New Year's resolution ko pero sana magampanan ko na and maging consistent."

Sa huling parte ng panayam, hindi nakalimot si Mad, isang proud Maranao, na pasalamatan ang mga sumusuporta sa kanya, partikular na ang mga taga-Mindanao, at bumoto sa kanya sa GMANetwork.com Awards.

"Without you guys, I won't win. 'Di ako mabibigyan ng blessings without you and thank you kay Allah dahil kundi naman dahil sa kanya, wala tayo dito at hindi ko makukuha itong mga blessings na ito and sana tuloy-tuloy pa. More blessings to come and sana 'wag po kayong magsawang sumuporta sa 'kin."

SAMANTALA, NARITO ANG FULL LIST NG WINNERS NG GMANETWORK.COM AWARDS 2025.