What's on TV

Marathon ng 'I Can See You: Love on the Balcony,' mapapanood sa Maundy Thursday

By Marah Ruiz
Published March 25, 2021 5:15 PM PHT
Updated March 29, 2021 5:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

I Can See You: Love on the Balcony


Balikan ang kuwento ng isang frontliner nurse at isang out-of-work wedding photographer sa marathon ng 'I Can See You: Love on the Balcony' sa Maundy Thursday.

Napapanahon talagang balikan ngayong Holy Week ang kuwento ng Love on the Balcony, ang maiden offering ng first season ng groundbreaking drama mini-series anthology na I Can See You.

Dahil kuwento ito ng pag-asa, pagpapatawad, pagtuklas sa sarili at siyempre, ng pag-ibig, bahagi ito ng special Holy Week programming ng GMA-7 para sa Maundy Thursday.

Tampok dito si Asia's Multimedia Star Alden Richards bilang Iñigo Mapa, isang wedding photographer na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Kapitbahay niya sa isang condominium building ang frontliner nurse na si Lea Carbonel na gagampanan naman ni Jasmine Curtis-Smith.

Alden Richards and Jasmine Curtis Smith


"It's really about the pandemic. It's really a story about hope, forgiveness, self-discovery, love, nandiyan 'yan and 'yung paglaban natin sa araw-araw," bahagi ni Alden tungkol sa istorya ng serye.

Humbling naman daw para kay Jasmine na gumanap bilang isang frontliner, lalo na at alam niya ang pagsasakripisyong ginagawa ng mga ito sa tunay na buhay.

"To be able to portray that role, lalo na sa panahon ngayon, it's so minimal, it's so minute compared to what they really are doing sa mundo, sa mga taong nangangailangan ng tulong ngayon sa pandemyang ito," pahayag ni Jasmine.

Kasama din sila sa serye sina Pancho Magno, Shyr Valdez at Denise Barbacena.

Huwag palampasin ang I Can See You: Love on the Balcony marathon sa Maundy Thursday, April 1, simula 7:15 pm.

Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa I Can See You: Love on the Balcony sa gallery na ito: