Article Inside Page
Showbiz News
Kapuso child star Marc Justine Alvarez sure feels at home in 'Ismol Family.' How does he compare being Ton-Ton in 'Ang Dalawang Mrs. Real' to that of being PJ in the comedy program?
By AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
One of the most recognizable child stars of today ay ang cute na cute na anak ni Jingo at Majay Ismol na si PJ played by Marc Justine Alvarez.
Ngayong 2014, dalawang malalaking projects ang ginawa ni Marc sa Kapuso network. Una diyan ang hit Sunday night comedy program na
Ismol Family at ang biggest Primetime drama ng GMA-7 na
Ang Dalawang Mrs. Real kung saan gumanap din siya bilang si Ton-Ton na anak nina Diamond star Maricel Soriano at Primetime King Dingdong Dantes.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Marc, tinanong namin ang child wonder kung alin sa dalawang projects ang pinakagusto niyang gawin - drama or comedy?
Saad ni Marc, “Siyempre po pareho. Kasi po ang comedy po, marami ka pong napapatawang tao. Ang drama naman po, marami ka pong napapaiyak na tao so pareho lang po.”
Kuwento ng Kapuso child star na masayang-masaya raw siya playing the role of PJ sa Ismol. Ayon sa kanya, ang dami raw niyang natutunan sa mga fellow cast members niya pagdating sa pag-arte.
Dagdag pa niya, maganda ang samahan nilang mga actors sa show at palagi raw silang nagkukulitan.
“Okay naman po silang kasama 'tsaka natutuwa din po ako kasi po marami po akong natutunan sa kanilang mga acting. 'Tsaka po minsan po, nagsasayahan kami 'pag pumupunta po ako sa tent. Bigla po nila akong kikilitiin ganun po. Kaya po masaya silang kasama.”