GMA Logo marc pingris
Celebrity Life

Marc Pingris, ibinili ng bahay ang ina gamit ang unang sahod sa PBA

By Jansen Ramos
Published October 31, 2022 7:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Sager earns praise for hosting skills in MMFF Gabi ng Parangal
OVP staff hold breakfast gathering in Manaoag
Remembering icons and notable personalities we lost in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

marc pingris


Ayon sa retired pro basketball player na si Marc Pingris, 'Para sa 'kin kulang pa 'yon sa sakripisyo na ginawa n'ya sa 'ming tatlong magkakapatid.'

Hindi ikinahihiya ng retired professional basketball player na si Marc Pingris ang kanyang mga pinagdaanang hirap noon bago maging ganap na atleta.

Sa October 26, 2022 episode ng Surprise Guest with Pia Arcangel, ikinuwento ni Marc na nagtrabaho siya sa murang edad para matulungan ang kanyang ina sa mga gastusin matapos mahiwalay sa kanilang padre de familia, na isang Pranses, nang madestino sa Morocco.

Bahagi ng binansagang Pinoy Sakuragi, "Back to zero 'yung mother ko kaya sa edad kong 10, talagang batang palengke na 'ko. Naging kargador na rin ako, mga gano'n. Nagtitinda lang ako ng ice buko dati, nagtitinda ako ng kandila, sweepstakes, mga gano'n.

"At least, 'di ko naman kinakahiya 'yung mga gano'n dahil ang sarap sa feeling [na balikan] kung saan ako galing kaya sobrang proud talaga 'ko sa mommy ko."

Kwento pa ni Marc, niregaluhan niya agad ng house and lot ang kanyang ina gamit ang unang sahod niya sa PBA.

Dugtong niya, "Kaya 'yung first salary ko sa PBA dati, pagka-sign ko pa lang, kumuha talaga ako ng advance 'tapos malapit na kasi birthday ng mother ko no'ng time na 'yon, e, 'yun talaga 'yung regalo ko sa kanya na house and lot. First salary ko talaga 'yun pero wala pang kagamit-gamit 'yung bahay.

"Sabi ko sa kanya, 'Ma, may pupuntahan tayong birthday party ng kaibigan ko... sama ka sa 'kin kasi gusto ka makilala.' And then, sumama siya and the pagdating namin do'n, sabi niya, wala namang tao dito baka ibang bahay 'to.

"'Tapos, no'ng iaabot ko na sa kanya 'yung susi, umiyak na 'ko. Sabi ko, 'Happy birthday, ma, para sa 'yo 'to."

Sa puntong iyon, nagkaiyakan na lang ang mag-ina dahil ito ang unang beses nilang magkaroon ng ganoon kagandang bahay.

Patuloy ni Marc, "Sabi ko, 'Ma, bukas na bukas, bibili tayo ng kama. Pupunta tayo sa mall, sabihin mo 'yung mga gusto mo, ibibigay ko sa 'yo kasi para sa 'kin kulang pa 'yon sa sakripisyo na ginawa n'ya sa 'ming tatlo magkakapatid.

"Binuhay niya kami kaya lagi kong sinasabi dati sa Gilas na 'puso'. Sa kanya ko nakita 'yon."

Panoorin ang buong podcast dito:

Sa ngayon, abala si Marc sa pagma-manage ng kanilang poultry farm sa Cuyapo, Nueva Ecija.

KAMUSTAHIN ANG BUHAY NG IBA PANG RETIRADONG BASKETBOLISTA GALLERY NA ITO: