What's on TV

Marco Alcaraz, naisip bang sumuko sa relasyon nila ni Lara Quigaman?

By Dianne Mariano
Published September 22, 2021 9:54 AM PHT

Around GMA

Around GMA

World markets face fresh jolt as Trump vows tariffs on Europe over Greenland
No classes in Cebu City, province after Sinulog festivity
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

marco alcaraz and lara quigaman


Ibinahagi ni Marco Alcaraz ang kanyang sagot kung naisip ba niya na sumuko sa isang relasyon. Alamin ang kuwento dito.

Sinagot ni Marco Alcaraz ang isang matinding tanong sa nakatutuwang laro na “Aaminin o Hahamunin” ng Mars Pa More nitong Lunes, September 20.

Ito ang segment kung saan magtatapon ng dart sina Mars hosts Iya Villania at Camille Prats at guests stars Marco Alcaraz at Lara Quigaman sa isang board at kung ano ang maputok na lobo ay kailangan nilang sagutin ang isang matinding tanong o gawin ang isang hamon.

Napunta naman kay Marco ang “aaminin” at kailangan niyang sagutin ang tanong na: "May time ba na naisip mong mag-give up sa isang relasyon?"

Photo courtesy: Mars Pa More (Facebook)

Habang nag-iisip ng isasagot ang aktor ay pabirong sinabi ni Lara, “Huwag ka magkakamali ng sagot.”

Bilang kasagutan, nagbigay si Marco ng isang tip na ginagawa niya base sa kanyang experience.

“Ito yung ginagawa ko na. Sobrang taas na pasensya at saka dapat tulungan niyo pa 'yung mga asawa ninyo. Kaya ang sagot ko, never akong nag-ano.. naisip lang, kahit sumagi nang kaunti kasi nga saludo ako sa inyong mga moms kung paano niyo alagaan yung mga anak niyo,” pagbahagi ni Marco.

Dagdag pa niya, “Mas nare-realize mo kapag ikaw na as a parent. Noong bata ka, siyempre, hindi mo mare-realize kung gaano ka kamahal ng mom mo pero ngayon saludo ako sa lahat ng mga moms dyan."

Mahigit sampung taon nang kasal sina Marco Alcaraz at Lara Quigaman. Mula noon, sila ay nabiyayaan ng tatlong anak na sina Noah, Tobias, at Moses.

Alamin pa ang nakakakilig at nakatutuwa na love story nina celebrity married couple Marco Alcaraz at Lara Quigaman sa Mars Pa More video sa itaas o panoorin dito.

Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, patuloy na subaybayan ang Mars Pa More mula Lunes hanggang Biyernes 8:45 a.m. sa GMA Network.

Samantala, muling kiligin at balikan ang sweetest moments ni Lara Quigaman at Marco Alcaraz sa gallery na ito: