
Mapapanood na ang pinakataos-pusong pagtatanghal ng MAKA Barkada sa musical finale ng Maka Lovestream na "Last Christmas" ngayong Sabado, December 13.
Sa last part ng musical-drama special, mamamayani sa chorale performance ng barkada ang kapatawaran at pagmamahal. Mapapatawad na ni Noelle (Olive May) si Nico (Bryce Eusebio) at muli na rin siyang matatanggap ng barkada.
May pahabol na sorpresa rin ang musical finale ng Maka Lovestream dahil sa pambihirang pagkakataon ay muling mabubuo ang MAKA Barkada na sina Zephanie, Olive May, Bryce Eusebio, Shan Vesagas, Sean Lucas, Chanty, Elijah Alejo, May Ann Basa, at Mad Ramos dahil magkakaroon ng special appearances sina Ashley Sarmiento, Marco Masa, John Clifford, Anton Vinzon, at Josh Ford.
Huwag palampasin ang heartwarming musical finale ng Maka Lovestream ngayong Sabado, December 13, 4:45 p.m. sa GMA.