
Bagong set ng mga Kabataang Pinoy ang ini-reveal na magiging parte rin ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Ang latest announcement ay mula sa showbiz report ng GMA Integrated News na ipinalabas sa 24 Oras, nitong Biyernes, October 24.
Isa sa dalawang bagong ipinakilalang housemates ay ang Sparkle star na si Marco Masa.
Ang 18-year old actor ay makikilala sa reality show bilang Ang Wonder Brother ng Antipolo City.
Housemate na rin ang 18-year old Star Magic artist na si Carmelle Collado.
Siya ay tatawagin dito bilang ang Riles Diva ng Camarines Sur.
Kabilang na rin sa list ng official housemates sina Sofia Pablo, Joaquin Arce, Princess Aliyah, Miguel Vergara, Krystal Mejes, at Heath Jornales.
Sinu-sino pa kaya ang iba nilang makakasama sa loob ng Bahay Ni Kuya?
Abangan 'yan sa susunod na updates tungkol sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Huwag palampasin ang muling pagbubukas ng Bahay Ni Kuya, ngayong Biyernes na, October 25.
Related gallery: The Big ColLove Fancon