
Ang ex-housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 na sina Marco Masa at Eliza Borromeo ang recent guests sa Kapuso Artistambayan.
Live na live silang nakipagkwentuhan at nakipagkumustahan sa host na si Maey Bautista at pati na rin sa netizens.
Sa kalagitnaan ng interview, ini-reveal at pinangalanan nina Marco at Eliza kung sino-sino sa housemates ang gusto nilang mapabilang sa Big Four.
Ayon kay Marco, “Ako po sa apat, sa Kapuso, sina Ashley [Sarmiento] at Clifford tapos sa Kapamilya, sina Joaquin [Arce] and Lella [Ford].”
“Pwede rin si Rave [Victoria] and si Caprice [Cayetano], si Caprice, yeah,” pahabol pa ng Sparkle actor.
Para naman kay Eliza, “Ako po, sa Kapamilya sina Krystal [Mejes] and Miguel [Vergara] po. Tapos sa Kapuso, sina Heath [Jornales] and Caprice [Cayetano] po.”
@gmanetwork BIG WINNER? 🏆 Eliza: Heath Marco: Ashley Kilalanin pa ang Big 4 nina #MarcoMasa at #ElizaBorromeo! 😍 #GMAPBBCollab Panoorin ang full #KapusoArtisTambayan ♬ original sound - GMA Network
Si Eliza Borromeo ay binansagan ni Big Brother bilang kanyang Determinadong Dilag ng Cavite habang si Marco Masa naman ay Wonder Brother ng Antipolo.
Nakilala rin sila sa teleserye ng totoong buhay bilang EliCo, ang isa sa pairings sa iconic house.
Samantala, huwag palampasin ang mga susunod na kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m.
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na nasa ibaba.
Bilang isa sa mga nakatutok sa teleserye ng totoong buhay, sino sa male at female housemates ang gusto mong maging big winner ngayong season?
Sagutan ang polls sa ibaba:
Related gallery: Meet the 20 housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'