
Pinag-uusapan ngayon sa video-sharing application na TikTok ang recent kulitan ng ex-housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 na sina Marco Masa, Anton Vinzon, at John Clifford.
Nangyari at spotted ang kulitan nila sa TikTok live na napanood sa account ni Anton.
Dito ay napagkatuwaan nina Marco at Anton na i-prank ang kanilang former housemates at isa sa kanila ay si Clifford.
Nagkunwari ang una na na-short siya sa budget habang siya ay nasa mall at naisip niyang mangutang muna kay Clifford para sa kanyang kunwaring kailangang dapat bayaran.
Pigil na pigil sa pagtawa sina Marco at Anton dahil naniwala rito si Clifford at willing umano siyang magpahiram at mag-send kaagad ng around 4,000 pesos.
Sa huling parte ng prank, ini-reveal na ng dalawang Kapuso actors kay Clifford na prank call lang ito at doon na nagsimula ang mas matindi pang kulitan.
Biro at sabi ng na-prank na si John Clifford, ulitin daw nila ito at mas mataas na amount naman ang i-request ni Marco upang mas mataas na amount ng pera rin ang kanyang i-offer na ipautang sa huli.
Narito ang pasilip sa prank call na mula sa live ni Anton Vinzon
@ofcteamclifford Marco Masa and Anton Vinzon prank calling Clifford 😆 #CLIFFORD #JohnClifford #MarcoMasa #AntonVinzon #TeamCliffordOFC ♬ original sound - Team Clifford Official
Sina Marco, Anton, at Clifford ay nakilala sa recently concluded collab ng GMA at ABS-CBN bilang Wonder Brother ng Antipolo, Astig Anak-tion Star ng Baguio, at Dutiful Langga ng Cebu.
Related gallery: The winning highlights in Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0