GMA Logo Marco Masa at Ashley Sarmiento
What's on TV

Marco Masa at Ashley Sarmiento, may matinding drama sa 'MAKA'

By Aaron Brennt Eusebio
Published May 17, 2025 10:58 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Sager earns praise for hosting skills in MMFF Gabi ng Parangal
OVP staff hold breakfast gathering in Manaoag
Remembering icons and notable personalities we lost in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Marco Masa at Ashley Sarmiento


Kung may maghihiwalay, mayroon ding nagkaka-develop-an sa Kapuso youth oriented series na 'MAKA.'

Napasabak sa matinding drama sina Marco Masa at Ashley Sarmiento dahil sa matinding eksena sa Kapuso youth-oriented show na MAKA.

Ayon kina Marco at Ashley, maraming manonood ng MAKA ang magiging emotional sa eksenang mapapanood mamayang 4:45 pm sa GMA dahil sa kanilang mga karakter na sina Marco at Ash.

Ani Marco, "Nadamay ko siya sa mga problema ko, so sana abangan ninyo. I-ready n'yo na po 'yung mga tissue niyo dahil maluluha talaga kayo."

Dagdag ni Ashley, "Ang dami na po kasi naming nagawang eksena pero itong episode ni Marco sa 'MAKA' iba, e, iba 'yung na-showcase niya na acting skills."

Kung marami ang maiiyak sa mga eksena nina Marco at Ashley, kakilig-kilig naman ang dapat abangan sa mga karakter nina Zephanie at Shan Vesagas na sina Zeph at Shan.

Pahayag ni Zephanie, "Sabi nga 'di ba po nila minsan 'pag merong nagsisimula, may nagtatapos, e, medyo merong konting nagtapos, feeling ko may nagsisimula din."

Dagdag ni Shan, "Relatively, new pa rin kami as love team. Thankful po ako na talaga si Zeph po unang na-partner sa akin kasi tinutulungan niya ako sa acting kasi bago pa rin po talaga ako. Magaling po kasi talaga 'tong partner ko."

Hindi rin magpapahuli sa MAKA sina Sean at Chanty na ginagampanan nina Sean Lucas at Chanty Vidal.

Ani Sean, "Ang karakter ko kasi doon sa show, parang nakilala siya as someone na simple, nagda-drive ako ng jeep, nag-crew ako doon sa cafe ni Shan tapos ayun, biglang may rest house pala ako."

Dagdag ni Chanty, "Dito po ma-e-establish na may gusto pala siya sa akin, kasi pinaghintay ko siya for five years kasi best friend 'yung tingin ko sa kanya. I'm so sorry."

Magle-level up rin ang relasyon nina Livvy at JC, ang mga karakter na ginagampanan nina Olive May at John Clifford.

Saad ni Olive, "Slow burn 'yung relationship namin sa 'MAKA' kasi we started as friends, besties talaga."

Hindi nakasama si John sa summer outing ng barkada ng MAKA ngayong Sabado, May 17, dahil kinailangan niyang umuwi sa Cebu para sa kanyang senior high school graduation.

Pagtatapos niya, "Super happy po talaga ako and thankful kasi alam niyo naman na hindi madali 'yung naging proseso ng nag-aaral habang nagwo-work din."

Panoorin ang buong report ni Aubrey Carampel DITO:

Abangan ang MAKA mamayang 4:45 p.m. sa GMA pagkatapos ng Philippine Defenders.