GMA Logo Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2
Source: itsmemarcomasa (IG) & elizaborromeo_ (IG)
What's on TV

Marco Masa at Eliza Borromeo, evicted from 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'

By EJ Chua
Published November 29, 2025 7:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Basketball Tournament - December 5, 2025 | NCAA Season 101
#WilmaPH maintains strength east of Borongan City, E. Samar
Cloud Dancer is Pantone's 2025 Color of the Year

Article Inside Page


Showbiz News

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2


Ang Sparkle star na si Marco Masa at Star Magic artist na si Eliza Borromeo ang Batch 2 evictees sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.'

Muling nabawasan ang housemates ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Naganap na ang ikalawang eviction night nitong Sabado ng gabi, November 29.

Sa latest episode, inanunsyo na sa teleserye ng totoong buhay kung sino ang dalawang housemates na kailangan nang bumalik sa outside world.

Ang Sparkle star at Star Magic artist na na-evict ay sina Marco Masa at Eliza Borromeo.

Mananatili naman sa loob ng iconic house ni Kuya ang apat na housemates na sina Anton Vinzon, Heath Jornales, Krystal Mejes, at Carmelle Collado.

Matatandaang ang Team Determined Warriors ang grupo na naging nominado noong nakaraang linggo matapos nilang makuha ang pinakamababang puntos sa isang ligtask challenge.

Ito rin ay resulta ng pagpili ng Team Smiling Angels na inatasan ni Kuya na italaga kung sino ang kailangang maging nominado.

Abangan ang susunod na twists at mga sorpresa mula kay Big Brother na masasaksihan sa hit collaboration project ng GMA at ABS-CBN.

Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 ng live sa GMA at Kapuso Stream tuwing weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..

Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Related gallery: Meet the 20 housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'