GMA Logo Marco Masa at Eliza Borromeo in Family Feud
What's on TV

Marco Masa at Eliza Borromeo, maghaharap sa 'Family Feud' kasama ang kani-kanilang pamilya

By Maine Aquino
Published December 16, 2025 12:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Scared? Spill!' with Sanya Lopez and Jon Lucas
Senators eye higher pay for barangay officials, workers
Take a look at the holiday schedule of Intramuros sites

Article Inside Page


Showbiz News

Marco Masa at Eliza Borromeo in Family Feud


Abangan sina Marco Masa at Eliza Borromeo sa 'Family Feud' ngayong December 16!

Sa pagpapatuloy ng week-long Christmas Special ng Family Feud, maghaharap ang dalawang naging bahagi ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Ngayong December 16, magtatapat sina Marco Masa at Eliza Borromeo sa friendly-but-fierce holiday battle sa Family Feud stage.

Ang Sparkle teen star at “Ang Wonder Brother Ng Antipolo” na si Marco ay maglalaro sa Team Marco. Makakasama niya ang young Filipino gamer and streamer na may 1.4 million followers sa Facebook at ang frequent dancing content collaborator ni Marco na si Adam Manuel; ang dating child star na isa nang grown-up actor na si Izzy Canillo; at ang 65th FAMAS Best Child Actor na si Lance Lucido.

Maglalaro naman ang Kapamilya teen star na si Eliza sa Team Eliza. Makakasama niya ngayong Martes ang dalawa niyang kapatid, ang dentistry student na si Chelsea at ang online streamer na si Isabella. Kasali rin sa episode na ito ang supportive niyang mommy na si Jacklyn.

Abangan ang exciting na paghaharap ng Team Marco at Team Eliza sa Family Feud ngayong December 16, 5:40 p.m. sa GMA.

Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.

Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000! Panoorin ito para malaman kung paano makakasali sa Guess More, Win More promo: