
Maniniwala ka pa ba sa pag-ibig kung nakilala mo lang siya online?
Bibida sina Marco Masa at Waynona Collings sa ika-apat na episode ng Barangay Love Stories na pinamagatang "Aking Paruparo."
Ipakikita nina Harry (Marco Masa) at Chesca (Waynona Collings) ang mga hamon ng pakikipag-date sa isang taong nakilala lamang sa dating app.
Iikot ang kuwento sa pagkakatuklas ni Harry na may gumagamit pala ng profile ni Chesca sa isang dating app, kung saan siya nahulog ang loob dito. Ngunit kalaunan, malalaman nilang pareho silang na-scam. Ngayon, magtutulungan sila upang mahuli ang scammer.
May mabuo pa rin kayang pag-ibig habang unti-unti nilang nakikilala ang tunay na isa't isa?
Abangan ang kuwento ng pag-ibig galing dating app sa Barangay Love Stories ngayong Sabado, 4 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.
RELATED GALLERY: Marco Masa and Waynona Collings deliver kilig and fun at fan meet