GMA Logo Marco Masa, Carmelle Collado
Courtesy: EJ Chua, GMANetwork.com
What's Hot

Marco Masa, Carmelle Collado name their bet for Big Winner in PBB Celebrity Collab Edition 2.0

By EJ Chua
Published February 27, 2026 3:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala’s clay-court swing: Upcoming tournaments, schedule, and season recap
Healers, herbalists gather in Siquijor anew for healing festival
How the latest smartphones are embracing the beauty of the unfiltered journey

Article Inside Page


Showbiz News

Marco Masa, Carmelle Collado


Sino kaya ang Kapuso at Kapamilya housemates na sinusuportahan nina Marco Masa at Carmelle Collado? Alamin dito.

Ini-reveal nina Marco Masa at Carmelle Collado kung sino sa Ultimate 8 housemates ang gusto nilang mag-uwi ng Big Winner title sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 The Big Night.

Related gallery: Meet the Ultimate 8 in Pinoy Big Brother Celebrity Collab 2.0

Sa pagbisita nina Marco at Carmelle sa GMA Network Center at sa Kapuso Artistambayan, pinangalanan nila ang kanilang Kapuso at Kapamilya big winners.

Para kay Marco, ang deserving sa naturang title ay sina Caprice Cayetano (Sparkle/Kapuso) at Lella Ford (Star Magic/Kapamilya).

“Ako naman sa Kapuso si Caprice [Cayetano] and sa Kapamilya naman si Lella [Ford]. Si Caprice kasi sobrang nakakahawa 'yung positive aura niya… The way she views things sobrang nasa bright side talaga and isa 'yun sa traits ng big winner na talagang hinahangaan namin ng ex-housemates,” pahayag ng Kapuso ex-housemate.

Pahabol niya, “Si Lella, she's very sincere and gentle sa mga ginagawa niya and when it comes to tasks and kailangan mag step up, mayroon talagang siyang game face on. She knows when to lock in.”

Paglalarawan naman ni Carmelle sa gusto niyang maging big winner, “Si Caprice [Cayetano] sa Kapuso, sa Kapamilya naman, si Krystal [Mejes] or si Miguel [Vergara] kasi ano sila, smart, genuine, and talagang 'yung qualities po ng pagiging big winner nasa kanila.”

Ang tungkol dito ay inilahad at ibinahagi rin nina Marco at Carmelle kay Aubrey Carampel sa 24 Oras.

Courtesy: GMA Integrated News, 24 Oras

Samantala, isang tulog na lang at matutunghayan na ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 The Big Night.

Sino kaya sa walong housemates na sina Caprice Cayetano, Ashley Sarmiento, Heath Jornales, Princess Aliyah, Lella Ford, Krystal Mejes, Joaquin Arce, at Miguel Vergara ang tatanghalin na Kapuso at Kapamilya Big Winners?

Huwag palampasin ang mga pangyayari sa last night ng Kabataang Pinoy sa Bahay Ni Kuya.

Abangan ang mga ito sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, ngayong Sabado na, February 28, 7: 15 p.m..

Mapapanood ito ng live sa GMA at Kapuso Stream.

Maaari ring subaybayan ang mga pahabol na kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na nasa ibaba.