
Magkasamang bibisita sa studio ng Fast Talk with Boy Abunda ang recent evictees ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Ang Sparkle star na si Marco Masa at Star Magic artist na si Eliza Borromeo ang bagong guests sa programa ngayong Lunes, December 1.
Kaabang-abang kung ano ang mga tanong na sasagutin nina Marco at Eliza na naging official housemates sa loob ng Bahay Ni Kuya.
Si Eliza Borromeo ay binansagan ni Big Brother bilang kanyang Determinadong Dilag ng Cavite habang si Marco Masa naman ay Wonder Brother ng Antipolo.
Nakilala rin sila sa teleserye ng totoong buhay bilang EliCo, ang isa sa pairings sa iconic house.
Kumusta na kaya sila ngayon sa outside world kung saan muli na nilang kasama ang kanilang mga pamilya at mga kaibigan?
Ano kaya ang kani-kanilang kwento bilang ex-housemates?
Patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream.
Related gallery: Meet the 20 housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0