
Nakatanggap at patuloy na bumubuhos ang papuri ng Akusada viewers para sa Sparkle star na si Marco Masa.
Si Marco ay napapanood sa intense drama series bilang si Tristan, ang kapatid ni Carol na karakter naman ng Kapuso actress na si Andrea Torres.
Mababasa online ang positive reactions at comments ng viewers, netizens, at fans, sa ipinapakitang husay ng young actor sa naturang palabas.
Sa previous interview ng GMANetwork.com kay Marco, matatandaang inilahad niyang very challenging para sa kaniya ang kaniyang role sa Akusada, dahil mas matanda sa kaniyang real age ang karakter niya na si Tristan.
Bukod sa pagiging kapatid ni Carol si Tristan ay ang ka-love team ni Amber, ang role naman ni Ashley Sarmiento sa serye.
Samantala, kaabilang din sa cast ng serye sina Benjamin Alves, Lianne Valentin, Arnold Reyes, Jourdanne Baldonido, Ronnie Liang, Ahron Villena, Shyr Valdez, Jeniffer Maravilla, at marami pang iba.
Huwag palampasin ang susunod pang pasabog na mga eksena sa 2025 drama series na Akusada, weekdays, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.
Maaari ring balikan at panoorin ang full episodes nito sa gmanetwork.com/Akusada.
Related gallery: On the set of 'Akusada'