
"Happy at excited" na pumirma ng kontrata ang young actor na si Marco Masa sa Sparkle GMA Artist Center sa naganap na contract signing event, ang "Signed For Stardom," noong November 22.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ng aktor ang saya at kaba ngayong opisyal na siyang Kapuso.
"I feel very happy po. Siyempre excited sa mga show na maibibigay ng GMA kasi bagong environment po ito sa akin. At the same time, kinakabahan din ako. Curious ako sa nangyayari rito kasi ibang network na 'to," sabi ni Marco.
Noong Setyembre, napanood si Marco bilang batang Tristan, na kalaunan ay ginampanan ni Asia's Multimedia Star Alden Richards, sa GMA Telebabad series na Start-Up PH.
Isa sa mga expectation ni Marco bilang Kapuso ay, aniya, mas mahasa pa ang talento sa pag-arte.
Sa interview, sinabi rin ni Marco ang Kapuso stars na pangarap niyang makatrabaho. Aniya, "Siyempre naman 'di ba! Sino ba namang hindi gugustuhing makatrabaho si Ms. Marian [Rivera], na crush ng bayan, and syempre si Sir Dingdong Dantes. Parang solid talaga kung makakatrabaho sila."
Nais din ni Marco na muling makasama sa isang proyekto ang matagal nang kaibigan na si Ashley Sarmiento, na napapanood bilang Nica sa GMA Afternoon series na Nakarehas Na Puso.
MAS KILALANIN SI MARCO MASA SA GALLERY NA ITO: