
Ipinasilip ni Kuya sa episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 na ipinalabas nitong February 20 ang mga ginawa ni Marco Masa para kina Caprice Cayetano, Ashley Sarmiento, Lella Ford, at Krystal Mejes.
Related gallery: Meet the housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'
Kapalit ng pagkain nina Caprice, Ashley, Lella, at Krystal, naatasan si Marco na ilipat-lipat ang Ultimate eye platform gamit ang sarili niyang lakas at kakabit nito ay hindi siya pwedeng tulungan ng kanyang mga kasamahan.
Tuwing naririnig niya ang hudyat na “Ting” ay kinailangan niyang mailipat ang apat na housemates sa ibang puwesto.
Parte ng kanyang sacrifice task ang paglipat kina Caprice, Ashley, Lella, Krystal, at buong Ultimate eye platform para sa laundry day.
“Naging mahirap physically, mabibigat 'yung mga platform at nakakangalay din na i-travel ito nang paulit-ulit,” pahayag ni Marco.
Kuwento ni Lella kay Big Brother, “Nilipat niya (Marco) po kami from the garden to the girls bedroom nung inaayos na po namin 'yung laundry namin. Ang hirap po Kuya kasi wala kaming magawa, hindi namin siya matulungan kahit nakikita na po naming hirap na hirap na po siya.”
“Thank you lang kami nang thank you sa kanya para maramdaman niya pong na-appreciate namin siya,” pahabol pa ng Kapamilya housemate.
Ayon kay Marco, itinuturing niyang opportunity ang ipinagawa sa kanya ni Big Brother.
Sabi niya, “Hindi ko siya tinitingnan na sakripisyo, tinitingnan ko 'yun na isang opportunity para makagawa ng mabuti sa kapwa at maiparamdam kung gaano ko pinahahalagahan 'yung kalagayan ng mga naninirahan sa Ultimate eye.”
Ano pa kaya ang susunod na mangyayari sa mga Kabataang Pinoy housemates sa teleserye ng totoong buhay?
Sino kaya ang maliligtas sa huling eviction at sino ang uuwi na sa outside world?
Abangan 'yan ngayong Sabado, February 21 sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ito ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na nasa ibaba.