GMA Logo marco masa
Courtesy: Akusada, itsmemarcomasa (IG)
What's on TV

Marco Masa, may pasilip sa susunod na eksena ni Tristan sa 'Akusada'

By EJ Chua
Published October 20, 2025 12:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SMC to waive toll fees for Christmas, New Year
P7M suspected shabu seized; 4 nabbed in NorthMin drug busts
Marian Rivera meets Hirono creator Lang and gets an autographed illustration

Article Inside Page


Showbiz News

marco masa


Tila napasabak na naman sa intense scene si Marco Masa sa 'Akusada.'

May pasilip at pahapyaw si Marco Masa tungkol sa susunod na eksena ng kanyang role sa intense drama series na Akusada.

Sa kanyang latest posts sa social media, ilang solo photos ang ibinahagi ni Marco, kung saan ibinida niya ang look ni Tristan, ang karakter niya sa serye.

Mapapansin sa photos na tila napalaban at napahamak si Tristan, ang kapatid ni Carol na role naman ng Kapuso actress na si Andrea Torres.

Kita sa mga ito ang mga pasa sa mukha ni Tristan at tila siya dinala sa isang abandonadong lugar.

A post shared by Marco Masa (@itsmemarcomasa)

Ano nga kaya ang susunod na mangyayari sa kanya?

Related gallery: Marco Masa from cutie child star to young heartthrob

Samantala, patuloy na bumubuhos ang papuri ng Akusada viewers sa mahusay na acting skills ng Sparkle actor.

Huwag palampasin ang mga eksena sa nalalapit na pagtatapos ng 2025 intense drama series na Akusada.

Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring balikan at panoorin ang full episodes nito sa gmanetwork.com/Akusada.