GMA Logo Marco Masa
Courtesy: itsmemarcomasa_ IG
What's Hot

Marco Masa, official Kapuso housemate na ulit sa 'PBB Celebrity Collab Edition 2.0'

By EJ Chua
Published January 14, 2026 10:27 PM PHT
Updated January 14, 2026 10:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardiologists stress tailored non-invasive surgical options for Filipino patients
Brgy chairman in Zarraga, Iloilo accused of r@ping teen
A new 'Heated Rivalry' book is coming this September

Article Inside Page


Showbiz News

Marco Masa


Ang "Wonder Brother ng Antipolo" na si Marco Masa ang magpapatuloy bilang housemate sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.'

Bukod sa isang Kapamilya, isang Kapuso ex-housemate rin ang nagkaroon ng pagkakataon na makabalik sa Bahay Ni Kuya.

Sa katatapos lang na episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, inanunsyo ni Kuya na si Marco Masa ang nagwagi sa big challenge, kung saan naging katunggali niya si Anton Vinzon.

Related gallery: Meet the housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'

Matapos manalo rito, ipinakilala na siya bilang official housemate muli ng pinakasikat na bahay sa bansa.

Kilala si Marco sa reality competition bilang Wonder Brother ng Antipolo.

Samantala, si Eliza Borromeo naman ang Kapamilya wildcard housemate na nabigyan din ng pagkakataon na magpatuloy ng kanyang journey sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Matatandaang sina Marco at Eliza ay sabay na na-evict noon at kilala rin sila bilang isa sa mga love team sa loob ng Bahay Ni Kuya.

Ano pa kaya ang susunod na twists at surprises mula kay Kuya?

Patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng iconic house sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.

Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya dito sa All-Access Livestream.