GMA Logo Marco Masa
Courtesy: Pinoy Big Brother, GMA
What's Hot

Marco Masa, second Kapuso Big Jump challenger sa PBB 2.0

By EJ Chua
Published February 6, 2026 10:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 still up over 32 areas as Basyang weakens into tropical depression
Siquijor, Bohol suspend work in government offices
BTS unveils a new version of their light stick

Article Inside Page


Showbiz News

Marco Masa


Si Marco Masa ang makakaharap ni Caprice Cayetano sa Big Jump challenge sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.'

Si Marco Masa ang pinakabagong housemate na nakakuha ng Big Ticket para sa Big Jump challenge.

Inanunsyo ni Kuya ang pagkapanalo ni Marco sa naganap na Kapuso Elimination challenge sa episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 na ipinalabas nitong Huwebes ng gabi, February 5.

Related gallery: Meet the housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0

Ang nabanggit na male Kapuso housemate ang pinakamatulin na nakatapos sa sunud-sunod na hamon mula kay Big Brother.

Siya ang unang nakapag-unlock sa kandado matapos niyang mabilis na na-solve ang isang Mathematics problem at sinundan naman ito ng matagumpay niyang pag-aayos sa blocks base sa mga kulay nito.

Samantala, ang Kapuso housemate na si Caprice Cayetano ang makakaharap ni Marco sa paparating na Big Jump challenge.

Bukod sa kanila, mayroon na ring Big Tickets para sa Big Jump ang Kapamilya housemates na sina Lella Ford at Joaquin Arce.

Sino kaya sa Kabataang Pinoy housemates ang mapapabilang sa Ultimate 8?

Huwag palampasin ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.

Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na nasa ibaba.