
Pumunta sa premiere ng isang pelikulang kasali sa Metro Manila Film Fest (MMFF) ang Sparkle talent at dating Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 housemate Marco Masa upang ipakita ang suporta sa kanyang kuya na may special needs.
Nag-upload ng mga photos si Marco kasama ang kanyang Kuya Justin na may special needs sa premiere ng I'mPerfect, isang entry sa 2025 MMFF na tumatalakay sa istorya ng mga tao na may special needs. Sa caption ng kanyang post, isinaad ni Marco na isang paraan ito upang pasayahin ang kanyang kapatid.
Ang I'mPerfect ay isang social romance movie ni Sigrid Andrea Bernardo na may cast na binubuo ng mga tao na may Down Syndrome tulad ng lead stars na sila Krystel Go at Earl Amaba, kasama ang mga established actors tulad nila Sylvia Sanchez, Lorna Tolentino, Janice de Belen, Tonton Gutierrez, Joey Marquez, and Zaijan Jaranilla.
RELATED GALLERY: Celebrities who showed unconditional love for relatives
with special needs
Kamakailan lamang ay pumunta sa isang benefit concert para sa Special Olympics Pilipinas ang cast ng I'mPerfect upang i-publicize ang pelikula. Kinonsulta ang Special Olympics Pilipinas ng pelikula upang masiguro na accurate ang portrayal ng mga tao na may Down Syndrome.
Photo source: Ron Lim
Ang pag-attend ng premiere ng I'mPerfect ni Marco ay isa lamang sa mga activities na pinuntahan ni Marco. Nitong nakaraang linggo ay nagtungo si Marco sa Pinoy Big Brother house upang alalahanin ang panahon niya sa loob nito.
Ayon kay Marco, isang humbling experience ang panahon niya sa loob ng PBB house kung saan natuto siyang mas magtiwala sa kanyang sarili. Ibinahagi rin niya na nagkaroon siya ng mga malalim na connection sa kanyang mga housemates, ipinakita ang kanyang mga pinaglalaban, at ipinakita ang kanyang buhay sa likod ng kamera. Sinabi rin niya na ang ipinakita ng mga housemates sa kanya kung ano ang tunay na camaraderie at umaasa siya na ang bawat housemate ay makuha ang kanilang “best journey.”
Nagpasalamat din si Marco sa mga naniniwala sa kanya at nagpakita ng suporta.
RELATED GALLERY: Marco Masa: From cutie child star to PBB 2.0 housemate