What's on TV

Marco Sison, ang kanta niyang 'Si Aida, Si Lorna, o si Fe' ay nangyari raw sa totoong buhay

By Kristian Eric Javier
Published November 7, 2024 2:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Marco Sison


Inilahad ni Marco Sison ang kuwento sa likod ng mga pangalan sa kanta niyang 'Si Aida, Si Lorna, o Si Fe.'

Isa sa mga pinakakilalang kanta ng '90s OPM Balladeer na si Marco Sison ay ang "Si Aida, Si Lorna, o si Fe" pero ayon sa batikang mang-aawit, ay may nakatagong sikreto ang awitin.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, November 6, ay binalikan ng King of Talk na si Boy Abunda ang dalawa sa mga pinakakilalang awitin ni Marco. Ang isa ay ang sikat na love song na "My Love will See You Through" na isinulat ni Nonoy Tan.

Maituturing umano ni Marco na pinakamalaking hit song niya ang kanta lalo na at hanggang ngayon ay kinakanta pa rin ito. Ngunit aniya, “nag-evolve” na ito mula sa pagiging isang love song.

“Dati love song siya, ngayon parang naiba na siya e, nagiging religious song na siya, tapos pang burol, parang ganu'n, 'pag may nililibing na tao, 'yun na 'yung kanta,” sabi ni Marco.

SAMANTALA, BALIKAN ANG ILAN SA MGA KAPUSO SINGERS NA KILALA RIN BILANG MGA AKTOR SA GALLERY NA ITO:

Napag-usapan din nila ang hit single ni Marco na "Si Aida, Si Lorna, o Si Fe" at ayon sa singer, nakuha ng manunulat nito na si Louie Ocampo ang inspirasyon sa kaniya. Kuwento ni Marco, humihingi siya noon ng love song kay Louie, ngunit umabot ng pitong buwan bago ito naibigay sa kaniya.

Ang reaksyon niya umano sa single, “Sabi ko, 'Bakit ganiyan? Gusto ko ng love song?' Sabi niya, 'E, 'yan ang tingin ko sa'yo e. Papaano 'yan?' Sabi ko, 'Ako, ganu'n?'”

Paliwanag ni Marco ay mas nakakasulat ng magandang awitin si Louie kapag kilala niya kung para kanino niya ito isinusulat, at iyon ang tingin umano ng kilalang songwriter sa kaniya.

Ngunit pag-amin ni Marco, hindi Aida, Lorna, at Fe ang mga orihinal na pangalan na ginamit sa kanta.

“Hindi 'yan originally Aida, Lorna, Fe. It was originally 'yung mga sikat nating artista, [Boy: Alam ko na, Nora (Aunor), Alma (Moreno), Vilma (Santos)] yes, yes, 'yun. [Boy: Tapos pinalitan ng mga pangalan na common.] Common names ng mga Pilipina dito sa'tin,” sabi ni Marco.

Sabi ni Marco, umiikot ang kanta sa isang lalaking hindi makapili kung sino sa tatlong babae na nagugustuhan niya ang gagawin niyang girlfriend. Pag-amin ng '90s OPM Balladeer, ay napasok na rin siya noon sa ganu'ng sitwasyon.

“Nu'ng batang-bata pa'ko. Siyempre kapag bata ka, galing ka sa probinsya tapos nag-iba bigla 'yung paligid mo,” sabi ng batikang singer.

Nang hingan naman siya ni Boy ng payo para sa mga taong nasa parehong sitwasyon, ang sabi ni Marco, “Ang payo ko is siyempre, ito galing sa experience ko 'to kasi ako siyempre ano 'ko e, mahilig ako sa babae, so hangga't kaya, noon 'yun nu'ng bata pa 'ko. 'Wag ganu'n, hindi dapat ganu'n. Siguro dapat ay hinay-hinay lang, dahan-dahan lang. Siguro one relationship at a time.”

“Kasi ako nu'n, siyempre nagkakaroon ng sabay-sabay dahil lahat wine-welcome mo. E dala iyon ng aking kabataan atsaka 'yung pagiging probinsyano na naiba, nabigla [Boy: Na-overwhelm ka masyado] oo, na-overwhelmed ako,” pagpapatuloy ni Marco.