GMA Logo Maria Clara at Ibarra extended
What's on TV

'Maria Clara at Ibarra,' extended na!

By Marah Ruiz
Published February 13, 2023 5:31 PM PHT
Updated February 13, 2023 8:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cops to increase presence in transport hubs amid New Year exodus
Lifestyleverse: Quick tour inside Mandarin Bay in Boracay
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Maria Clara at Ibarra extended


Due to insistent public demand, extended ang 'Maria Clara at Ibarra.'

"Dinggin niyo kami! #MCIExtend," sigaw ng fans ng hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Narinig naman ng GMA Entertainment Group at ng produksiyon ng serye ang hiling ng mga manonood. Extended na ang Maria Clara at Ibarra.

Dahil sa karagdagang episodes nito, mas mabibigyang-buhay ang kuwento ng pangalawang nobela ni Jose Rizal na El Filibusterismo.

Mas matagal pa nating makakasama ang mga karakter na lubos nating minahal tulad nina Crisostomo Ibarra (Dennis Trillo) at Maria Clara (Julie Anne San Jose).

Higit pa nating makikilala ang mga karagdagang karakter sa serye tulad ng binatang si Basilio (Khalil Ramos), si Isagani (Kim de Leon), Juli (Pauline Mendoza), Paulita Gomez (Julia Pascual) at marami pang iba.

At siyempre, mas mabibigyan pa ng oras ang patuloy na pag-usbong ng love story nina Klay (Barbie Forteza) at Fidel (David Licauco).

Patuloy na tumutok sa Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad. May simulcast din ito sa digital channel na Pinoy Hits, habang mapanood naman ang same-day replay nito Lunes hanggang Biyernes, 9:40 p.m. sa GTV.

Maari ring mapanood nang buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.

Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream at sa GMA Network app.

SAMANTALA, NARITO ANG MGA BAGO AT NAGBABALIK NA KARAKTER SA EL FILIBUSTERISMO ARC NG MARIA CLARA AT IBARRA: