GMA Logo maria clara at ibarra
What's on TV

'Maria Clara at Ibarra' finale, trending worldwide; fans, humihiling ng sequel

By Marah Ruiz
Published February 25, 2023 11:25 AM PHT
Updated February 25, 2023 11:36 AM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

maria clara at ibarra


Trending sa Pilipinas at sa buong mundo ang finale ng 'Maria Clara at Ibarra.' Humihingi pa ng sequel ang fans nito.

Napanood na ang finale ng hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra kagabi, February 24,.

Ipinakita dito ang buhay ni Klay, played by Barbie Forteza, pitong taon matapos siyang makabalik sa sarili niyang mundo matapos maglakbay sa mundo ng El Filibusterismo.

Isang ganap nang doktor si Klay matapos mag-aral ng medisina sa ibang bansa. Bumalik siya sa Pilipinas para magbigay-serbisyo sa kanyang mga kababayan, dala ang mga natutunan niya mula sa mga nobela ni Jose Rizal.

Mainit ang naging pagtanggap ng mga manonood sa much-awaited finale ng show kaya pasok sa top trending topic sa Twitter Philippines, at maging worldwide ang official hashtga ng episode ng #MCIEndingYarn.

Trending din ang mga katagang FILAY Endgame, Ibarra, Fidel, Klay, at Mr. Torres.

Lubos namang ikinasiya ng mga manonood ang maraming sorpresa na dala ng episode. Isa na riyan ang real world counterparts nina Crisostomo Ibarra, na ginampanan ni Dennis Trillo; at Maria Clara, ang karakter naman ni Julie Anne San Jose.

Ikinatuwa ng mga netizens na sa tunay na mundo nila nahanap ang kanilang happy ending bilang mga guro na sina Barry at Clarize.

Siyempre, hindi rin nagpahuli sina Klay at Fidel, played by David Licauco, dahil nahanap pa rin nila ang isa't isa.

Isang cute na fan art naman ang nagpakita ng development ng mga bida sa bawat mahalagang kabanata ng show.

Humihiling naman ang Maria Clara at Ibarra fans ang isang sequel. Palagay kasi ng mga nito, marami pang mga tanong ang 'di nasasagot tulad ng tunay na kapangyarihan at katauhan ni Mr. Torres, na ginampanan ni Lou Veloso.

Marami rin ang naintriga sa bagong kakayanan ni Fidel na maglakbay gamit ang portals. May bitbit na rin siyang pocketwatch na katulad ng kay Mr. Torres at may suitcase pang puno ng hieroglyphics.

Maari pa ring mapanood nang buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.

Samantala, magsisimula na rin ang megaseryeng Mga Lihim ni Urduja kaya huwag palampasin ang unang episode nito sa February 27, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

SAMANTALA, TINGNAN ANG MGA LARAWANG ITO NA NAGPAPAKITANG BAGAY ANG TAMBALANG BARBIE AT DAVID: