
Dumagundong ang hiyawan ng fans ng hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra sa idinaos na grand mall show ng cast sa MarQuee Mall sa Angeles City, Pampanga kahapon, February 12.
Inabangan sa naturang event ang performance ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza na gumaganap bilang Klay sa serye.
Tinutukan din ng libo-libong na nanood sa Kapuso Mall Show ang pagkanta ng singer-actor na si Khalil Ramos. Ginagampanan naman ni Khalil ang role na Basilio.
Kasama rin sa successful event na ito ang ibang cast members ng Maria Clara at Ibarra tulad nina Pauline Mendoza, Kim de Leon, at Julia Pascual.
Sa panayam kay Barbie Forteza last February 6, umamin ito sa harap ng GMA press people na nakaramdam siya ng matinding pressure gawin ang ganitong kalaking proyekto ng kanyang home network.
Paliwanag niya, “Kinukuwento ko rin kasi kay David [Licauco], napag-usapan namin. Parang honestly, napagod ako emotionally, napagod ako mentally sa show na 'to.
“Maybe because parang all eyes on us, parang kasi nag-raise kami ng new standard when it comes to free TV na ganun 'yung premium talaga, ganun 'yung quality nung show.
“Yung expectations, 'yung pressure, doble, if not triple.”
May konting patikim din ang versatile actress sa posibleng mangyari sa loveteam nila ni David Licauco na FiLay sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang primetime series.
Ani Barbie, “I'm excited for them kasi, kahit presold na 'yung kuwento ng dalawang libro, may mga ginawa kaming unexpected plot twists na they have to watch out for, especially for me [Klay] and Fidel na hindi naman talaga characters ng dalawang nobela.
“So abangan na lang nila.”
MORE BEHIND-THE-SCENE MOMENTS OF MARIA CLARA AT IBARRA: