What's on TV

'Maria Clara at Ibarra' lead stars, ginunita ang mga paborito nilang eksena

By Marah Ruiz
Published February 25, 2023 12:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

maria clara at ibarra


Alamin ang mga paboritong eksena nina Dennis Trillo, Barbie Forteza, Julie Anne San Jose at David Licauco sa 'Maria Clara at Ibarra' dito:

Sa pagtatapos ng ng hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra, binalikan ng lead stars nito ang mga paborito nilang eksena.

Para kay Kapuso Drama King Dennis Trillo, na gumanap bilang Crisostomo Ibarra, paborito niya ang eksena kung saan hinimok ng kanyang karakter na dinggin ng mga nasa kapangyarihan ang hinaing ng taong bayan.

Lubos na emosyonal at mahaba ang eksena at kinailangan pa itong ulit-ulitin ni Dennis para makunan sa iba't ibang anggulo.

"'Yan kasi 'yung pinakamatagal ko ring pinaghandaan noong nalaman ko 'yung gagawin ko sa eksena na 'yun, ganito siya kahaba. Naalala ko, Christmas Eve, pagkatapos ng celebrations, 'yung kagad 'yung binabasa ko--'yung script ko noon, 'yung mga lines ko doon sa eksena. Tumatak din siya sa maraming tao. Isa 'yun sa mga paborito kong eksena," bahagi ni Dennis.

Para naman kay Barbie Forteza na gumanap bilang Klay, paborito niya ang emosyonal pagdarasal ng kanyang karakter sa simbahan matapos makita at maramdaman ang pag-aapi nararanasan ng mga Pilipinong walang kalabanlaban.

"Siyempre 'yung prayer ko, 'yung mahaba kong prayer, unforgettable siya dahil ako lang mag-isa sa eksena. Ang daming gustong sabihin ng eksenang 'yun. I'm so glad na somehow we pulled it off and somehow na-convey namin 'yung message na gusto naming iparating," lahad ni Barbie.

Hindi naman malilimutan ni Julie Anne San Jose na gumanap bilang Maria Clara, ang pagkikipagtagisan niya kay Padre Salvi, karakter ni Juancho Trivino.

"As in 'yung buong chunk ng scene na 'yun talagang nakakapagod talaga siya, emotionally, phyisiaclly, mentally, everything," paggunita ni Julie Anne.

Paborito naman ni David Licauco ang pagsampal ni Klay sa karakter niyang si Fidel matapos ang isang pagtatalo.

"Unforgettable for me 'yung sinampal ako ni Klay noong umpisa. Sobrang yabang ng personality ni Fidel nung start, very mahangin talaga. Nakakatuwa rin," pagbabalik-tanaw ng aktor.

Samantala, humihiling nama ng sequel ang fans ng Maria Clara at Ibarra dahil marami pang maaaring mabuong kuwento sa ilang mga sorpresa at rebelasyon sa huling episode nito.

Maari pa ring mapanood nang buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.

Magsisimula na rin ang megaseryeng Mga Lihim ni Urduja kaya huwag palampasin ang unang episode nito sa February 27, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES NG MARIA CLARA AT IBARRA RITO: