GMA Logo Maria Clara at Ibarra
What's on TV

'Maria Clara at Ibarra' role ni Julie Anne San Jose, paborito niya sa kanyang buong career

By Marah Ruiz
Published January 19, 2023 12:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Elusive December sun leaves Stockholm in the dark
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Maria Clara at Ibarra


Sa lahat ng mga karakter na kanyang ginampanan, paborito raw ni Julie Anne San Jose ang kanyang role bilang 'Maria Clara at Ibarra.'

Sunod-sunod ang nakakaantig ng perfomances ni Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose sa hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Malapit na kasing magtapos ang yugto ng serye na hango sa Noli Me Tangere ni Jose Rizal at patungo na ito sa pangalawang nobela na El Filibusterismo.

Nakatanggap ng papuri si Julie Anne sa pagpapakita niya ng hinagpis ni Maria Clara at pagkumprunta niya kay Padre Salvi (Juancho Trivino) matapos mabalitaan ang animo'y kamatayan ni Crisostomo Ibarra (Dennis Trillo).

Kasunod nito ang pagpapapili niya kay Padre Damaso (Tirso Cruz III) sa pagitan ng kumbento o kamatayan bilang sagot sa pilit nitong pagpapakasal sa taong hindi niya mahal.

Ayon kay Julie Anne, marami mang pagsubok ang hinarap siya sa pagtanggap ng role, ito pa rin ang pinakapaborito niya sa lahat ng mga karakter na ginampanan niya.

"It has not been easy for me portraying the role pero ito by far 'yung pinaka favorite role ko sa buong acting career ko. Humbling experience siya for me because aside from working with very talented people--talented actors and very passionate writers from the whole team, ibang klaseng experience kasi siya talaga for me," pahayag niya.

Maria Clara at Ibarra


Sa pagtawid ng Maria Clara at Ibarra mula Noli Me Tangere patunong El Filibusterismo, makakabalik si Klay (Barbie Forteza) sa sarili niyang mundo. Paano kaya siya makakapunta muli sa mundo ng nobela?

Anong kapalaran din ang naghihintay para kay Maria Clara sa loob ng kumbento?

Patuloy na tutukan ang Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

Maari ring mapanood ng buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.

Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream at sa GMA Network app.

NARITO RIN ANG ISANG EXCLUSIVE SNEAK PEEK SA BAGONG YUGTO NG MARIA CLARA AT IBARRA: