GMA Logo Maria Clara at Ibarra
What's on TV

'Maria Clara at Ibarra,' shortlisted sa New York Festivals TV & Film Awards

By Marah Ruiz
Published March 16, 2023 5:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 1) JANUARY 19, 2026 [HD]
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Maria Clara at Ibarra


Pasok sa shortlist ng New York Festivals TV & Film Awards ang 'Maria Clara at Ibarra.'

Magko-compete sa isang international television and movie film festival ang hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Pasok ang programa sa shortlist ng New York Festivals TV & Film Awards para sa taong 2023 sa ilalim ng kategoryang Entertainment Program: Drama.

Masaya itong ibinalita ni Maria Clara at Ibarra concept creator and head writer Suzette Doctolero.

"Finalist ang Maria Clara at Ibarra sa New York Fest! Huhuhu. Salamat po, Lord!!!!" sulat niya sa Instagram.

Isang post na ibinahagi ni Suzette Severo Doctolero (@suzidoctolero)

Kinikilala ng New York Festivals TV & Film Awards ang mga palabas na nagpapakita ng inobasyon at inspirasyon para sa susunod na henerasyon.

Igagawad ang mga parangal nito sa isang seremonya ngayong parating na April.

Samantala, ngayong April din magiging available sa streaming giant na Netlix ang Maria Clara at Ibarra.

Maaari ring mapanood ng buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.