
Isang maaksiyong weekend ang inihanda ng GTV kasama ang 2019 action movie na Maria.
Tampok dito si Cristine Reyes bilang Maria, na dating nagtatrabaho bilang hired assassin. Tinalikuran niya ang dating buhay para magsimula ng sarili niyang pamilya.
Pero biglang masisira ang tahimik niyang buhay nang mahanap siya ng isang tao mula sa kanyang nakaraan.
Abangan ang Maria, May 14, 7:05 p.m. sa G!Flicks.
Para naman sa mga animation and game fans, panoorin ang The Angry Birds Movie, May 14, 1:30 p.m. sa Siesta Fiesta Movies.
Nariyan din ang Biboy Banal starrring Jeric Raval sa May 14, 3:30 p.m. sa Afternoon Movie Break.
Huwag din palamapasin ang LGBTQIA+ film na 4 Days, tampok sina Mikoy Morales at Sebastian Castro.
Written and directed by Adolf Alix Jr., kuwento ito ng isang relasyon ng dalawang university students na magsisimula sa pagkakaibigan at masusubok dahil nasa closet pa ang isa sa kanila.
Tunghayan ang 4 Days sa May 15, 1:00 p.m. sa Sine Date Weekends.
Abangan din ang Hong Kong action comedy film na Winners and Sinners, starring Sammo Hung at Jackie Chan sa May 15, 9:4.m. sa The Big Picture.
Panoorin ang mga pelikulang 'yan at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.