What's Hot

Marian and Dingdong's last soap together

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 29, 2020 7:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lawyers to seek DOJ lookout bulletin on Tab Baldwin amid Rene Baterbonia case investigation
376 Mananagat sa Lapu-Lapu City Nakadawat og Ayuda sa National Government | Balitang Bisdak
Handaan sa Araw ng Kalayaan! (Full Episode) | Farm to Table

Article Inside Page


Showbiz News



Ang telenovelang 'Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang' ang huling pagtatambal na raw on TV ng hottest love team ngayon, sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Last Thursday, ipinakilala na sa press people ang mga bubuo sa cast ng 'Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang,' kasama ang hottest love team ngayon, sina Marian Rivera and Dingdong Dantes. At ngayong gabi, masasaksihan na ang simula ng huling pagtatambal ni Marian at Dingdong--that is, as of this posting. Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio. stars
Sa press conference ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang na obra ni Carlo J. Caparas, kumalat na that this will be the last time, for a long time, na magkakasama sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa isang soap. Kaya naman everyone made sure na ang kanilang huling pagtatambal naghanap si Miss Wilma Galvante, SVP for Entertainment, ng istoryang talaga namang makapagpapakita ng kakaibang Marian at Dingdong: "In one of our conversations ni Mareng Donna [Caparas, wife of Carlo J. Caparas] and ni Direk Carlo J., I asked them, 'Naghahanap kasi ako ng magandang love story para kay Dingdong at Marian. Sana hindi lang siya 'yung traditional na love story, siguro 'yung mayroong suspense, ibang klaseng drama, ganyan.' Sabi ko, 'Direk, nasa 'yo pa ba 'yung Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang'? Tapos sabi niya, 'Oo.' Eh, puwede bang ibigay mo na rin yan sa amin?' Um-oo naman siya. That was six months ago." Dagdag pa nga ni Miss Wilma, simula pa lang ng Dyesebel, pinag-isipan na raw talaga ng Entertainment division kung saan pa puwedeng madala ang tambalan nina Dingdong at Marian. At halata naman na talagang pinaghandaan ang show na ito. Bongga ang set na sumalubong sa press people, the night of January 29. A huge stage was set up sa gitna with a working living room, bedroom, and bar area. When the lights went down, ipinakilala na ang mga tauhan ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Nagsimula ang presentation kay Dingdong, who plays the straight-laced Homer. He reads a newspaper sa left side ng stage, kung nasaan ang living room, before being greeted by his mother Hera, played by Carmi Martin. Jackie Rice (Cassandra) comes out, at magsisimula ang interaction niya with Hera with the usual pleasantries between mother and daughter--before she gets dragged offstage by her mother. Sunud-sunod naman ang dating nina Sherilyn Reyes (Galatea), Prince Stefan (Aristotle), Lovi Poe (Athena) and Kevin Santos (Jason). Sila ang iba pang mga mahahalagang tao sa buhay ni Homer. Sunod namang ipinakilala si Heleen (Angelu de Leon) na fiancée ni Homer. Kasama niya si Carlene Aguilar bilang Clarisse, ang kanyang matalik na kaibigan. Pero bago pa man umalis sa harap ni Homer si Heleen ay may kahalikan na itong ibang lalaki—si Greg (Boom Labrusca). Lumabas rin si Paolo Paraiso as Mike, na agad tinangay si Clarisse paalis ng bahay nina Homer. Homer then moves to the bedroom where he is followed by Madel (Eugene Domingo) and Citas (Alyssa Alano), ang mga masisipag at usiserang katulong niya sa bahay. At sa pagtulog ni Homer, mabubuhay ang bar scene. Dito ipakikita si Proserfina (Marian) na hinahabol ang kapatid niyang si Ulysses (Mart Escudero). Agad din naman lalabas si Rado (Paolo Contis) na gusto siyang isama paalis, pero darating si Sheila (Francine Prieto) na pinagbibintangan si Proserfina na nang-aagaw ito ng nobyo.stars
Aalis si Proserfina at mapupunta siya sa kuwarto ni Homer. At dito magsisimula ang kwento ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Nagpalabas na rin that night ng isang sneak peek sa show. At from what we saw, ito ang magiging pinaka-mature at pinaka-daring drama na talaga namang susubok sa kakayahan ng bawa't isa sa ensemble cast ng programa. After the preview, both Marian and Dingdong were asked by the press kung nahirapan ba sila sa kanilang mga eksena. Especially since, compared sa kanilang naunang mga soaps, mas maraming halikan, hubaran, at harutan sa soap na 'to. Marian tells the press, "Nung una mahirap, kasi hindi ko rin alam kung anong gustong atake ni Direk." She continues na nag-usap sila ni Bb. Joyce Bernal kung saan ba nila talaga gustong dalhin ang character ni Proserfina at kung ano ang pinaghuhugutan nito. She adds na they're also taming down the character, para sa mga batang makakapanood nito. "Kung totoong story talaga 'yan, hindi ganyan si Proserfina. Hindi siya marunong magbiro, straightforward talaga, sexy lang palagi," sabi ni Marian. And tanungin kung bakit nila pinapalitan ang flow ng story, Dingdong defends, "'Yun 'yung taste ng mga taong manunuod." But when they get to the juicier part, kung saan mas palaban na ang mga characters, mas true na sa istorya ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, ito lang ang masasabi ni Dingdong: "When we get to that part, hopefully, magiging maganda rin 'yung response." Carlo J. Caparas's Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang begins today, February 2, only on GMA Telebabad. Ano ang magiging reaction mo sa show na ito? Watch the pilot and then share your comments with us!